Kaisa ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon Rehiyon Uno sa paggunita ng ika-83 Araw ng Kagitingan (Day of Valor)
Muli nating alalahanin ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong ika-9 ng Abril taong 1942, sa tinaguriang Bataan Death March kung saan tinatayang humigit 17,000 na mga sundalo ang namatay.
Sa Araw ng Kagitingan, hindi lang ang mga bayani ng nakaraan ang dapat ipagdiwang, kundi ang bawat hakbang na ginagawa natin sa pagpapalawak ng edukasyon—isang kagitingan na tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat sektor at nagsusulong ng pambansang kaunlaran.